Jennylyn, Derek back in daring MMFF entry

39

Balik tambalan sina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay sa pelikulang “All of You” ng Quantum Films.

Siyempre, happy ang dalawa na after 3 years ay nagkasama silang muli. Huling pinagsamahan nila ay pelikulang “English Only Please” na isa sa mga topgrosser na pelikula sa MMFF 2014.

Aminado ang dalawang stars ng pelikula na mas matindi at mapangahas ang mga eksena nila lalo na sa kanilang love scene sa movie.

Sey ni Jennylyn, mas tinodo at sinabing nagpaka-daring siya sa balik tambalan nila ni Derek.

Dagdag pa niya, napakarami raw nilang love scene ng binata sa pelikula.

Ngayon palang ay hinuhulaan na naming isa ang pelikula na magiging topgrosser sa darating na Metro Manila Film Festival 2017 dahil subok na sa takilya ang kanilang tambalan.

Sabi nga ni Derek kung siya ang tatanungin mas gusto niya kumita ang pelikula kaysa award.

Of course kahit ‘di na niya sabihin ‘yun ay sigurado nang kikita ito oras na maipalabas na ito sa mga sinehan.

Kung sina Derek at Jennylyn ay balik tambalan, ibinalik din ng producer ng pelikula na si Atty. Jojit Alonzo para magdirek ng pelikula si Dan Villegas na karamihan sa mga romantic comedy film na ginawa niya ay tumabo nang husto sa takilya.

img_20171201_221124

Ang “All of You” ay palabas na sa December 25 sa mga sinehan nationwide.

Sa mga fanatics ng romcom movies na may katuturan naman ay ito na ang pelikulang magpapasaya at magpapa-kilig sa lahat.

Leave a comment