Jason Abalos now a Kapuso

40

Umalis na sa pangangalaga ng ABS-CBN 2 si Jason Abalos. Nag-decide siyang lumipat sa kalaban nitong network na GMA 7.

Isa na siyang Kapuso artist matapos niyang pumirma ng exclusive contract sa GMA 7 kahapon, Martes, October 3.

At bilang pag-anunsiyo ng kanyang paglipat sa nasabing network, nag-post ang binata ng larawan ng haparan ng building ng GMA Network Center.

Sa Twitter post naman ng GMA News, makikitang kasama ni Jason sa kanyang contract signing sina GMA SVP for Entertainment Lilybeth Rasonable at GMA Artist Center President Gigi Santiago-Lara.

Sa isa pang larawan, kasama naman nila si GMAAC AVP for Imaging and Branding Simon Ferrer.

Ano kaya ang nagtulak kay Jason para maisipan nitong iwan ang Kapamilya Network at lumipat sa Kapuso Network to think na inaalagaan naman ng dos ang kanyang career?

Katatapos nga lang siyang mapanood sa seryeng Langit Lupa, na isa siya sa bida.

Sana nga lang ay tama ang naging desisyon ni Jason na lumipat sa Syete. Sana ay maalagaan nito ang kanyang career.

Baka matulad lang siya sa ibang talent ng Dos na lumipat sa Syete na sa bandang huli ay nagdesisyon ding bumalik sa Dos dahil hindi naaalagaan ang kanilang career.

Sana nga ay walang pagsisihan si Jason sa naging desisyon niyang ito.

*******************

Mapangahas, kontrobersyal, at pagtatanong sa tunay na pagmamahal ang tinatalakay sa bagong sexy-comedy play na Solo Para Adultos (For Adults Only).

cast-of-solo-para-adultos

Limang nilalang na biktima ng kalupitan ng mundo ang tampok sa play na ito. Kilalanin ang Porno Queen na si Veronica Fox (April ‘Congratulations’ Gustillo), ang masahistang si Alfred (Vivo Ouano), ang matinee idol na si JV San Miguel (John Raspado), ang Scandal Queen na si Georgina (Tori Garcia), at ang stripper na si Nicolas (Andres Vasquez).

Ang Solo Para Adultos ay istorya ng pagmamahal, sex, paghihiganti, pangarap, at pag-asa. Ito ay sa panulat nina AJ Rollon, James Golla, at Alejandro ‘Bong’ Ramos. Ito ay prodyus ni Yuan Barron Ho under Red Lantern Productions. Ang production manager naman ay si Domingo Almoete.

Magsisimulang ipalabas ito sa October 20 sa Music Museum sa Greenhills, San Juan na iikot sa Pilipinas hanggang February 2018.

spa

Para sa ibang detalye at ticket tumawag sa TicketWorld 8919999 or visit www.ticketworld.com.ph.

Leave a comment