Janella and Elmo’s closeness is now for real?

1214
by Mildred A. Bacud
by Mildred A. Bacud

Hindi na lang pang-on cam ang extra closeness and sweetness ng pinakabagong loveteam ng Kapamilya network na sina Janella Salvador at Elmo Magalona o Elnella, maging off cam din dahil sa halos araw-araw na kasing magkasama ang dalawa sa taping and other commitments maging linggo ay hindi sila napapaghiwalay.

Tulad na lamang last Sunday after ASAP kung saan sabay silang nagsimba, nag-dinner at nanood ng sine. Kasama pa ni Janella ang inang si Jenine Desiderio at kapatid na si Russel. Sa post ng Ellenatics sa Instagram, makikita kung gaano ka-close si Elmo sa brother ng aktres. That day ay mas pinili nga raw ni Elmo na makasama si Janella kaysa makasama ang pamilya na nanood din ng sine.

Nagseselos na nga raw ang real-life girlfriend ni Elmo na si Janine Gutierrez dahil wala na ngang time ang aktor para sa kanya lalo’t magkaiba na sila ng network.

Mas lalo pang naging close sina Elmo at Janella ng magkaroon sila ng show sa London. First time daw ng dalawa ng bumyahe na walang kasamang pamilya kaya naman lagi silang magkasama at talagang nagkaroon ng time para makapagbonding.

received_10155013647288761

Sa huling interview namin kay Elmo, bagaman inamin niyang sila pa rin ng gf na si Janine, binibigyan niya ng importansya ang bagong kapareha lalo’t 18 years old lamang ito at bilang matanda siya ng apat na taon ay gusto niya itong protektahan at alalayan bilang ka-loveteam.

Sa showbiz maraming loveteams ang nade-develop at malaking factor diyan ang laging magkasama tulad nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, James Reid at Nadine Lustre . Kaya naman posible kayang maging for real ang closeness ng Elnella?

Leave a comment