Janella, Elmo offer a tale like no other this Valentine’s

58

Maganda ang playdate ng pelikulang “My Fairy Tail Love Story” na tinatampukan nina Janella Salvador at Elmo Magalona.

Perfect ito sa mga may ka-date sa Valentines day. As in February 14 ito ipapalabas sa mga sinehan nationwide.

Bagamat katapat ang showing ng pelikula ng Star Cinema na “Sin Island” na isang sexy drama ay marami ang nagsasabi na mas magiging intresado ang moviegoers sa Janella-Elmo romcom film.

Oo nga naman, mas marami kasing kilig at kasiyahan ang pelikulang handog ng Regal Entertainment.

Trailer pa lang ay marami na ang humahanga sa pelikula. Isang sirena ang role ni Janella sa pelikula na mabibihag ang puso niya ni Elmo.

Ang pelikulang ito ay sa direksyon ni Perci Intalan na kilala na rin dahil sa mga nagawa niyang pelikula at isa na rito ang “Dementia” ni Nora Aunor.

Sobrang thankful daw siya at pinagkakatiwalaan siya ni Mother Lily sa mga malalaking proyekto.

img_20180201_082359

Kaya, sa mga magde-date o gustong ma-relax, ma-entertain, sumugod na sa Araw ng mga Puso para panoorin ang pelikulang “My Fairy Tail Love Story.”

Tampok din sa pelikula ang kuwelang si Kiray na sinabi noong presscon ng pelikula ay never daw niyang naging boyfriend ang model/actor na si Kirst Viray.

****************************

Ipinagmamalaki ng isa sa mga big boss ng Megasoft na si Aileen Go ang bago nilang endorser na si Ryle Santiago para sa produkto nilang CHERUB.

img_20180201_082419

Sabi ng mabait na businesswoman, hanga siya sa binata dahil hindi raw nito napabayaan ang kaniyang pag-aaral.

Perfect na perfect daw siya para sa promotion ng kanilang produkto dahil sa magandang reputasyon ng isa sa mga Hashtag member.

Ipinagmamalaki rin niya ito at sinabing malayo ang mararating ni Ryle. Nakita niya kasi ang sobrang dedikasyon nito sa trabaho niya at pag-aaral.

Sa parte naman ni Ryle bilang bagong endorser ng CHERUB baby care products na CHERUB baby soap, Cherub baby wipes CHERUB baby powder at CHERUB baby cologne ay sobrang nagpapasalamat siya.

Isa raw malaking karangalan ang mapabilang siya sa Megasoft Family.

received_10212682538712964

Sabi pa niya, gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya para mai-promote ang produkto na hindi lamang para sa mga baby kundi para sa lahat. Isa raw malaking blessing ito para sa sarili niya at lalo na sa kaniyang pamilya.

Yes!, sobra ang pagmamahal ng binata sa kaniyang pamilya at gusto niya na lalo pa siyang madagdagan ng trabaho para makatulong sa kaniyang mga kapatid at sa kaniyang inang si Sherilyn Reyes.

Ang lahat daw ng kinikita ay itinatabi ng kaniyang mommy para sa kanila.

Of course, very proud ang mommy niya sa kaniya hindi lamang sa nakakatulong siya sa kanilang pamilya kundi sa achievements na rin ng kaniyang anak.

Sey nga niya nung makatsikahan namin ay sa tagal na raw ng kaniyang karera bilang artista ay hindi pa niya nakakasama sa proyekto ang mga malalaki at mga beteranong artista samantalang si Ryle daw ay nakaaeksena niya ang mga ito at isa na rito si Lorna Tolentino.

Leave a comment