James, Nadine planning to get married?

58

Sa guesting nina James Reid at Nadine Lustre sa show ni Korina Sanchez na Rated K kagabi, tinanong ni Korina ang dalawa, kung napapag-usapan na nila ang kasal.

Sagot ni Nadine,No! We still want to do a lot of things pa.”

Ang sagot naman ni James, ”I think that’s one thing we don’t talk about. Off limits.”

Sa tanong naman kung sino sa kanila ang mabilis magselos, umamin si Nadine na siya iyun.

Sabi niya, “Honestly po, before, because I’m a Scorpion, I’m almost like, madali akong magselos. But now, no.”

Share naman ni James, ”Im not the jealous type.”

Nang tanungin naman sila kung sino ang mabilis magalit, umamin ulit ang aktres.

Natawa si Korina sa muling pag-amin ni Nadine.

Pagpapaliwanang ng aktres, ”Very ano ako, emotional. My emotions are sometimes hindi ko po mapigilan.”

Kung sina James at Nadine ay hindi pa napapag-usapan ang kasal, sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo naman ay game pag-usapan ang kasal.

denjen4

Pahayag ni Dennis, “Marami kaming mga plano. Isa ‘yun (kasal) sa mga plano namin, pero hindi pa ‘yun ‘yung pina-prioritize namin.”

Dapat lang naman na mapag-usapan o magplano na sina Dennis at Jennylyn ng kasal dahil nasa marrying age na naman sila. Si Dennis ay 36 while si Jennylyn ay 30 na.

Leave a comment