Jake Zyrus, his identity, and singing career; Token Lizares to hold a benefit concert for Marawi victims

47

Hindi kami against sa naging desisyon ni Charice Pempengco na palitan ang kanyang pangalan, na ginawa niyang Jake Zyrus.

Kung yun ang makakapagpaligaya sa kanya, iginagalang namin ang naging desisyon niya.  Hindi kami katulad ng iba na nilalait siya, na hindi raw niya dapat pinalitan ang kanyang pangalan.

Kaya lang, ngayong kilala na siya bilang si Jake, sa tingin lang namin ay baka ito na ang maging simula nang pagbaksak ng career niya bilang isang singer. Minahal kasi siya ng tao, ng kanyang mga fan bilang si Charice, na magaling kumanta, na hanga sa pagiging biritera niya.

Pero ngayon na boses lalaki na siya at may anyo nang lalaki dahil pinatanggal na niya ang kanyang boobs, paano pa siya magugustuhan ng mga sumusuporta sa kanya? Siyempre, ang hahanapin nila ay ‘yung Charice na hinangaan nila, di ba?

Ngayong si Jake Zyrus na siya, para tuloy nagsisimula pa lang siya sa kanyang singing career, na ipinapakilala pa lang niya ang bago niyang pangalan.

Pero sana nga ay magtagumpay pa rin siya sa music industry bilang si Jake Zyrus, na sana ay magkaroon din siya ng hit single gaya nung siya pa si Charice para wala siyang pagsisihan sa naging desisyon niya na baguhin ang kanyang identity, di ba?

************************************************************************

Hangang-hanga kami sa singer na si Token Lizares.  Kapag may show/concert kasi siya, ang part ng proceeds ay binibigay niya sa mga nangangailangan o kapus-palad.

Kaya naman binansagan siyang Charity Diva.  Kamakailan lang, nung nagkaroon siya ng concert sa RJ Bistro sa Dusit Hotel with the Singing Soldier Mel Sorellano, ‘yung ibang kinita nito ay binigay niya sa kasama sa panulat na si Richard Pinlac dahil bed ridden ito ngayon sanhi ng stroke.

At personal pa siyang pumunta sa bahay ni Richard sa Cavite para maibigay ang financial help niya sa pamilya nito.

O di ba, kahanga-hanga talaga si Ms. Token? Pwede naman niya yung ipadala na lang sa iba, pero mas pinili niyang siya mismo ang mag-abot ng pera sa pamilya ni Richard, kasehodang bumiyahe pa siya at ma-experience ang traffic sa pagpunta.

Sa August 13 ay magkakaroon ulit ng benefit concert si Ms. Token para sa mga biktima sa nangyayaring kaguluhan ngayon sa Marawi, na gaganapin sa AFP Theater billed as “Awit Sa Marawi.”

Makakasama niya ulit dito ang Singing Soldier na si Mel, Angel Flores at surprise guest.  Para sa tickets, tumawag lamang sa 731-96-28 or at 09228160900/0917822785.

Leave a comment