Ian Veneracion is shy type when it comes to singing

32

Dahil naging successful ang unang solo concert ni Ian Veneracion, na ginawa sa Waterfront Grand Pacific Ballroom sa Cebu noong April 21 billed as “Ian In 3 Acts feat LA Santos,” kaya nag-decide ang producers nito na dalhin naman sa Manila ang concert.

Ang “Ian In 3 Acts feat. LA Santos” ay mapapanood sa Newport Performing Arts Theater, sa Resorts World on May 13, Sunday.

Special guest sa concert sina Jaya, Jona at Jong Cuenco.

Bata pa lang si Ian ay music lover na pala siya. Ang kanyang ama ang biggest influence sa kanya dahil mahilig din ito sa music.

“Since I was 11, I play the guitar. Since I was 7, I was playing the piano. It has been a big part of my life talaga. Pero eversince, mahiyain talaga ako pagdating sa pagkanta.  Hindi ako kumakanta, eh.

“Kaya lang, when I was given a role sa “A Love to Last,” sinabi nila na “Ian, eto role mo, ikaw si Anton na you compose music and you would play the piano,” sabi ko, “Yeah, I’m comfortable with that. No porblem.” And then sabi nila, “you would play the guitar,” “Yeah, sure, I’m comfortable with that.

“And then sabi nila, pero, you gonna have to sing! Sabi ko, “Ooh, ooh” Dun ako mahiyain, So ‘yun lang, tinry namin sa “A Love To Last” (na kumanta siya). And then it was very encouraging naman, si Ma’m Charo (Santos), sinasabi niya, “You know what, you can sing. I hope you would embrace it. And then nag-enjoy na ako (sa pagkanta).

“After A Love to Last kasi may mga gawa akong sariling kanta, eh. So, sabi ko, what if i-record ko na lang.”

Nung i-record ni Ian ang mga songs, ipinadala niya sa kaibigan niyang si Mike Alcazaren (na siyang stage director ng Ian In 3 Acts) ang kopya ng isang kantang ginawa niya, ang We’re All Alone at nagustuhan naman daw nito and suggested na gumawa sila ng music video nito.

At dito na nga niya na-meet ang isa sa producers ng concert na si Flor Santos, na mommy ni LA at inoperan nga siya nito na gumawa ng concert.

Dito na nga nabuo ang “Ian In 3 Acts feat. LA Santos.”

Ngayong nakadalawang concert na siya, tuloy-tuloy na ba ang paggawa niya ng concert?

“I don’t know where it is going, but we’ll see. Pero I really, really enjoying (doing concert). Saka I always enjoyed music naman.”

Naging leading lady ni Ian si Jodi Sta. Maria sa seryeng “Pangako Sa‘Yo” at si Bea Alonzo sa “A Love To Last.” Naging close siya sa dalawa nung ginagawa nila ang serye.

Iimbitahan ba niya sina Jodi at Bea, at ilang malalapit pang kaibigan sa showbiz, para suportahan at panoorin siya sa kanyang concert?

“Sa totoo, nahihiya akong mag-invite ng mga kaibigan kong artista, kasi nga feeling ko, baka tumaas lang ang kilay nila, di ba? Baka pag sinabi ko, I have a concert, baka dun pa lang sabihin nila, “Ano ba alam mo sa music? Nararamdaman ko ‘yun, so nahihiya akong mag-invite.

“And at the same time, siyempre, mga celebrities sila, ang daming magpapa-picture sa kanla, magiging hassle lang sa kanila. So, ayoko na lang silang imbitahan. So it’s okay.”

Nang tanungin naman si Ian kung ano na ang update sa napapabalitang pelikula na gagawin niya with Sharon Cuneta, wala raw siyang ideya tungkol dito.

“You know, nobody called me anything about it lang. May nagtatanong lang kung if ever na magka-movie with Miss Sharon Cuneta, eh I said “that would be great,” of course, I’d be honored to be part of her movie.

“Pero I don’t know. I don’t know if they’re talking about it or they’re making plans, I have no idea, honestly,” sabi pa ni Ian bilang pagtatapos.

Bukod kay Ms. Flor Santos, ang ilan pa sa producers ng Ian In 3 Acts feat. LA Santos concert, ay sina Abel Kahiwat, Natz Nocom at Nectar Endaya.

ian-veneracion-2

Ang Musical Director nito ay si Lean Inigo.  Ang Stage Director ay si Mike Alcazaren.

Available ang tickets ng concert sa Ticketworld online & Box office at Resorts World.

Leave a comment