Highlights of Daniel Padilla’s ‘Most Wanted Concert’

196

Antazo PSR pic
By Mary Rose G. Antazo

Muling pinatunayan ng Teen King na si Daniel Padilla ang pagiging concert heartthrob sa kanyang ‘Most Wanted’ concert last June 13, Saturday na ginanap sa Mall of Asia Arena. As expected, jampacked ang nasabing venue at super lakas ang hiyawan at tilian ng mga fans during the whole show at parang concert nga ng One Direction ang level ng mga fans sa pagsuporta sa kanilang idolo. Pangatlong sabak na ito ni Daniel na mag-concert, ang dalawang nauna ay sa Araneta Coliseum naganap.

Nang magsimula na ang concert proper ay dumagundong na ang buong MOA Arena sa paglabas ni Daniel sa kanyang opening song ni James Brown na ‘I Feel Good’ and incidentally, ito rin ang title track ng kanyang bagong release na album na ‘I Feel Good’ under Star Music. In fairness, sobrang guwapo ni DJ (nickname ni Daniel) that night kaya naman no wonder at super tili at kinikilig ang kanyang mga tagahanga. Solid ang support ng mga fans kay Daniel at hindi ito nagsawang maghiyawan at mag-take ng picture every time lumalabas on stage ang kanilang idolo.

Nagpaka-crooner si Daniel sa concert niya dahil puro standard songs ang laman ng kanyang repertoire at Michael Buble lang ang kanyang peg that night. Bumagay naman sa boses ng bagets ang kanyang mga songs, ‘yun nga lang halos hindi na rin minsan marinig ang kanyang boses sa lakas nga ng tilian ng tao.

Stand-out din ang kaguwapuhan ni Daniel sa suot niyang formal suit at animo’y hinaharana niya ang lahat ng babaeng naroroon sa concert venue. Personal choice nga raw niya ang mga songs na inihanda niya nung gabing iyon at ito raw ang kanyang pinapakingan every night.
Naging special guest ni DJ ang magaling na singer na si KZ Tandingan at kinanta nila ang ‘Moonriver’ at ‘Quando Quando.’ Ang galing ng duet nila dahil makabagong version ng kanta ang ipinakita nila. Solo namang kinanta ni KZ ang ‘Till I Met You’ at sabay na ipinakita sa screen ang ilang eksena ng KathNiel sa pelikulang ‘She’s Dating a Gangster.’ Grabe pa rin ang tilian ng fans nang makita ang dalawang idolo sa screen.

After KZ ay sina Nyoy Volante at Edgar Allan Guzman ng ‘Your Face Sounds Familiar’ naman ang tumuntong sa stage at kinanta ang ‘She Will Be Loved’ ng Maroon 5.

While on stage, adlib naman ni Daniel ay masasabi niyang ‘crazy’ at ‘beautiful’ ang kanyang 2015. At ito ay dahil nga sa napaka-successful niyang career both on TV and movies plus nadagdag pa ang concert scene. Siyempre pa, hindi puwedeng mawala ang kanyang colorful lovelife dahil sa inspirasyong ibinibigay sa kanya ni Kathryn Bernardo.

After that ay nag-duet naman sila ng singer na si Morisette Amon ng theme song ng movie na Crazy Beautiful You, ang Nothings’s Gonna Stop Us Now. And as expected, halos magiba na ang venue sa hiyawan ng mga fans dito.

Next song niya ang ‘What a Wonderful World’ at may portion pa ang Pepsi sito kung saan ay nagkaroon ng chance ang mga fans na makapagpa-selfie picture with DJ.

Eraserhead song naman ang kinanta ni DJ kasama ang Harana Boys na kinabibilangan nina Joseph Marco, Marlo Mortel, Michael Pangilinan at Bryan Santos. Nag-guguwapuhang mga kalalakihan ang nasa stage kaya halos maloka na ang mga fans sa tilian.

Habang kinakanta naman ni DJ ang ‘Ikaw ang Aking Mahal’ (ng VST & Co.) ay biglang ipinakita sa screen si Kathryn na nakaupo sa audience at abalang kumukuha ng pictures sa kanyang ka-partner.

Next guest ni Daniel ay si Kyla at dito ay nag-duet sila ng standard songs.

In-acknowledge naman ni Daniel si Vice Ganda na nasa front row ng audience at sabay tanong kung in love daw ba si Vice ay agad itong sumagot. ‘How Sweet It Is To Be Loved By You’ ang next song na kinanta niya.

Kapansin-pansin din ang laki ng improvement ng performance ni Daniel at kering-keri na niya talagang mag-perform sa malalaking venue.
Patok din ang number nila ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano ng kantang ‘Isn’t She Lovely.’ Sobrang proud si Gary dahil ang layo na raw talaga ng narating ng bagets. Ibang klase raw ang popularity ng bagets na inihalintulad din niya sa kasikatan ng One Direction.

After that number ay ang ‘special someone’ na ni Daniel ang kanyang tinawag sa stage. Dito na mas lalong kinilig at nagsigawan ang fans. “Ito na ang pinakahihintay n’yo! Ang tanong, ready na kaya siya?,” bumaba siya at sinundo si Kath mula sa kinauupuan nito. Ang daming kinilig habang nasa stage ang dalawa at panay ang sweet-sweetan. Halos matunaw na nga si Kathryn sa tamis ng tingin ni DJ.

After ng song number ay bumaba at nag-stay pa sa audience si Kathryn. Dito na siya kinantahan ni DJ habang ipinapakita pa sa screen ang eksena nila ni Kathry sa teleseryeng ‘Pangako Sa ‘Yo.’ Bago bumaba si Kath ay nag-‘thank you’ rito si DJ, tapos ay panay ang kiss niya sa may pisngi ng dalaga. Naka-tatlo yata siyang kiss na para bang kilig na kilig siya.
Last song ni Daniel ang ‘For Once in My Life’ at dito na hindi napigilan ng mga fans ang umakyat ng stage at mahalikan at malapitan ang kanilang idolo. Hindi na mapigilan ng mga security guards at bouncers ang mga tao kaya agad nang tinapos ang show.
Kudos DJ on your ‘Most Wanted’ concert from your Philippine Showbiz Republic (PSR) family!

Leave a comment