GGV celebrates high-rated episodes for 6 years

35

(Photo from ABS-CBN)

Sa interview ni  Ara Mina sa ABS-CBN Push.com, sinabi niya na bukod sa mommy Klenk niya, ay ang Megastar na si Sharon Cuneta ang may malaking impluwensiya sa buhay niya.

Sabi ni Ara,”There are two women that I really look up to. First, my mom, siyempre di ba? She’s a very tough person. She was very beautiful nung kabataan nya and even up to now, maganda pa rin sya. Kaya rin siguro nakahiligan ko ang magpaganda kasi maganda ang mommy ko.”

Patuloy pa ni Ara, “The other one is Ate Sharon (Cuneta). When I was a little girl, pinapanood ko sya sa TV and sobrang idol ko talaga sya. I wanted to be like her lalo na nung nakilala ko siya. She’s very sweet, down-to-earth, and passionate with her craft. She’s really the one that I want to emulate noon pa.”

********************************************

Speaking of Sharon, siya ang naging special guest nung Sunday sa pagdiriwang ng Gandang Gabi Vice (GGV) hosted by Vice Ganda ng kanilang ika-anim na anibersaryo na ginanap sa studio ng ABS-CBN 2.

Naging masaya ang episode na ‘yun dahil game na nakipaglokohan si Sharon kay Vice at sa dalawang kaibigan ng Unkabogable Star na sina Wacky Kiray at Negi.

Pinansin ni Vice ang mga nagkikislapang alahas ni Sharon na suot-suot nito, pagkatapos ay nagpa-game siya kina Wacky at Negi.

Sabi niya, dahil bungisngis daw si Sharon, na lagi itong nakatawa, kaya kung sino raw sa dalawa ang makakapagpatawa rito ay ibibigay ni Sharon ang mga alahas niya, na pumayag naman si Sharon dahil alam niyang lokohan lang ‘yun.

Napatawa naman ni Negi ang mommy ni KC Concepcion, kaya kinuha niya ang mga alahas ni Sharon bilang premyo.

Tawa lang nang tawa si Sharon. Pero pinababalik niya ang mga alahas sa kanya dahil may sentimental value daw ang mga ‘yun sa kanya.

Ang ginawa ni Vice, sinabihan niya si Sharon ng ‘Ang yaman-yaman mo, pero ang damot-damot mo,” Pero walang epekto ang birong ‘yun ni Vice kay Sharon dahil  kinuha pa rin niya ang kanyang mga alahas.

May mga nagsasabi na siguro raw ay masama ang loob ni Vice sa ABS-CBN 2 dahil sa studio lang ng Kapamilya network ginawa ang anibersaryo ng kanyang show.

Pero hindi isyu kay Vice, okey lang ‘yun sa kanya. At hindi rin isyu sa kanya na kung minsan ay late nang umeere ang kanyang show dahil nag-o-overtime ang mga naunang shows sa Dos.

Ang mahalaga kay Vice, tumagal ng anim na taon sa ere ang kaniyang show at consistent na mataas ang nakukuha nitong rating.

In fairness naman sa GGV, kahit anong show ang itapat dito ay hindi ito natalo sa rating. Kahit nga ‘yung travel show ng best friend niyang si Kris Aquino na Trip Ni Kris na itinapat ng GMA 7 sa GGV ay tinalo niya sa rating, di ba?

Samantala, bago ininterview ni Vice si Sharon ay pinasalamatan niya muna ito.

Isa raw kasi si Sharon sa mga artistang tumulong sa kanya nung baguhan pa lang siya sa showbiz. Madalas daw kasi siyang ini-imbitahan ni Sharon sa kanyang defunct variety show noon sa Kapamilya network.  At minsan daw ay may ipinadala pa sa kanya  itong food na labis niyang na-appreciate.

Leave a comment