From parents profile, Andre Yllana pursuing a career in showbiz?

60

Masayang-masaya ang big boss ng BNY Jeans na si Mike Atienza dahil may mga bagong endorser na naman ang kaniyang clothing company kagaya ni Andre Yllana.

Pumirma kamakailan sa harap ng ilang miyembro ng entertainment press sina Andre (Yllana) at Heaven Peralejo bilang karagdagan sa lumalaking pamilya ng kumpanya. Ito ay ginanap noong Sabado sa isang resto sa White Plains, Quezon City.

Ayon sa mabait na bossing ng BNY, napili niya ang dalawang young stars dahil naniniwala siya na malaki ang maitutulong ng dalawang bagets sa lalo pang paglawak ng kanilang negosyo.

“Kay Andre kasi, nakita ko na alam naman natin ‘yung tatay niya dati sikat siya. Marami akong nakikita na mga anak ng artista na pina-follow ‘yung footstep ng nanay at tatay nila.

“Kay Heaven naman, nakita ko na siya sa PBB at alam kong may potential naman siya kaya kinuha rin namin. Malaki ang tiwala ko sa kanila.”

received_10212155987109503

Parehong one year contract ang pinirmahan nina Andre at Heaven sa kumpanya at bilang trabaho nila ay magiging abala sila sa mga mall shows para ipromote ang brand sa Manila at buong Pilipinas bukod pa pagpromote nila sa kanilang mga social media accounts.

ANDRE ON AIKO AND JOMARI

Samantala, ngayong tuluy-tuloy na ang pagpasok sa showbiz ni Andre ay siguradong hindi na rin siya tatantanan ng mga intriga. Bigla nga niyang naikuwento sa interbyu na ang girlfriend ng kaniyang tatay na si Jomari Yllana ay buntis.

Dito nga pumasok ang mga tanong sa kaniya tungkol sa kaniyang parents na kung umaasa pa ba siya na magkakabalikan pa ang Mommy Aiko niya at Daddy Jomari.

Kung si Andre lang ay talaga namang gusto niya na magkabalikan pa ang mga magulang niya pero dahil na rin sa sitwasyon ngayon ay mukhang malabo na itong mangyari. Si Jomari balitang happy siya sa kaniyang girlfriend at itong si Aiko ay may nagpapatibok daw ng kaniyang puso na isang politician.

Leave a comment