Fans want to see Angel Locsin on TV; ask ABS-CBN to give her new show

151
Photo from Angel's instagram account

Marami kaming natanggap na text messages mula sa grupo ng mga tagahanga ni Angel Locsin, na ang ilan sa mga members nito ay mula pa sa ibang bansa, na nananawagan sa ABS-CBN 2 na mabigyan ulit ng serye ang kanilang idolo.

Sabik na raw kasi silang mapanood si Angel sa sarili nitong serye, hindi raw yung guest lang.  And in fairness naman daw kay Angel, lahat ng serye na ginawa nito sa Kapamilya Network ay laging panalo sa ratings. Kaya sana raw ay mapagbigyan ang kanlang kahilingan/panawagan.

Ang pagkakaalam namin, ang huling serye na ginawa ni Angel sa Dos ay ang The Legal Wife na ipinalabas noong 2014 pa. Pero lumabas sya sa pilot episode ng La Luna Sangre na pinagbibidahan ng KathNiel.

Oo nga naman, sobrang tagal nang walang sariling serye si Angel kaya sana nga ay mabigyan na siya ng ABS-CBN 2.

At tama naman ang Angel Locsin Supporters, na ang lahat ng ginawang serye ni Angel ay mataas ang nakuhang rating, na hindi natalo ng nakatapat nitong serye sa Kapuso network.  Kaya deserved talaga ng mahusay na aktres na magkaroon ulit ng sariling serye.

****************************** 

May nakarating sa amin na nakipagrelasyon daw dati sa isang tomboy ang isang sikat na young actress.

Ang naturang tomboy daw ay naging staff ng defunct TV series ng young actress. Kaya lang daw naghiwalay ang dalawa ay dahil pinagsabihan daw ng kanyang management ang young actress na makakasira sa wholesome image niya ang ginawang pakikipagrelasyon sa tibo kaya dapat niya raw itong hiwalayan, na ginawa naman daw ng young actress.

At ‘yung tomboy ay tinanggal na sa show para nga hindi na rin sila madalas magkita. Sino si young actress? May ka-loveteam siya. ‘Yun lang!

Leave a comment