Family, friends visit Isabel’s wake

39

Dinagsa agad ng kanyang mga kaibigang artista ang unang gabi ng burol ni Isabel Granada, Huwebes, Sanctuario de San Jose, East Greenhills.

Namataan namin sina Manilyn Reynes, Shirley Fuentes, Nadia Montenegro, Bianca Lapus, Janella Salvador, Elmo Magalona,Paolo Ballesteros, Jackie Aquino, Ynez Vereracion, Niño Muhlach, Jao Mapa, Eric Fructuso, Mila Gumila, Jethro Ramires, Mikoy Morales, Ara Mina, Anna Rocess,Patricia Javier, Sunshine Cruz, Harlene Bautista and husband Romnick Sarmienta, Ana Abiera, Almira Muhlach, Melissa Gibbs at ang dating ka-loveteam na si Chuckie Dreyfuss.

Dumating din sa burol si Direk Carlitos-Sigeon Reyna, kasama ang kanyang misis na si Bibeth Orteza.

Si Direk Carlitos ay naging direktor ni Isa sa first adult movie niya na “Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin,” na kung saan ay tinanghal siya bilang Best Supporting Actress sa FAMAS dahil sa role niya rito bilang isang prostitute.

Nandun din si mother Lily Monteverde ng Regal Films. Nasa burol din ang dating mister ni Isa na si Coun. Jericho Aguas, ang anak nila ni Isa na si Hubert, at ang buong pamilya ni Jericho.

Kahit hiwalay na si Isa kay Jericho ay maganda pa rin ang samahan nila, nanatili silang magkaibigan.

Kaya naman, isa si Jericho sa mga nag-asikaso sa funeral services ni Isa katulong sina Chuckie, Bianca, Shirley, at Nadia.

Nung dumating sa burol ang butihing ina ni Isa na si mommy Gwapa, ay hindi agad ito bumaba ng kotse. Hindi niya kasi kayang makita ang anak na nasa loob ng kabaong.

Sobrang sakit ang nararamdaman niya at hindi pa rin niya matanggap hanggang ngayon na hindi niya na makakapiling ang nag-iisang anak na si Isa.

After 4 hours bago siya pumasok sa burol. Kinumbinsi ko sya na bumaba na ng kotse dahil hinahanap siya ni mother Lily.

Pero nasa loob man ng chapel, hindi pa rin nagawang silipin ni mommy Gwapa ang nakahimlay na si Isa.

Siguro, alam niya sa sarili niya na baka mag-collapse lang siya kung sisilipin si Isa.

collage

Sa lahat ng fans/supporters ng singer-actress, ngayong araw at bukas ang public viewing para sa kanya sa Santuario de San Jose, na magsisimula from 10:00 am to 5:00 pm.

Leave a comment