Elisse closes eyes on bares all scene

96

Ginanap ang special screening ng pelikulang “Sin Island” sa Dolphy Theater na pinagbibidahan sina Xian Lim at Coleen Garcia na dinaluhan ni Elisse Joson para suportahan ang kanyang ka-loveteam at rumored boyfriend na si McCoy de Leon, na kasama sa nasabing pelikula.

Bago ang special screening, nakausap namin si Elisse. Niloko namin siya na for the first time ay makakapanood siya ng R-16 na pelikula.

Ito kasi ang binigay na rating ng MTRCB sa “Sin Island,” dahil marami itong maiinit na eksena at may frontal nudity dito si Nathalie Hart.

Sabi ni Elisse na natatawa,

“Magtatakip na lang ako ng mata, pag may mga ganung eksena na.”

Samantala, tinanong namin si Elisse kung may nagpaparamdam o nagpapalipad-hangin pa ba sa kanya bukod kay McCoy.

Sagot niya, “Siguro kasi alam nila na nandiyan na si McCoy kaya ayun, wala na.”

Paano ba ipinapakita ni McCoy ang pagmamahal nito sa kanya?

img_20180226_123851

“Si McCoy kasi lagi siyang nandiyan for me. Kung halimbawang hindi kami magkasama sa trabaho, paparamdam niya na nandiyan pa rin siya. Lagi siyang nagti-text, tumatawag, ganun.”

******************************

NATUTUWA kami para kay Cholo Barretto dahil marami siyang project ngayon.

img_20180226_124135

Bukod sa guesting niya sa FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin (na gumaganap siya rito bilang si SP03 Pantig) ay kasama rin siya sa bagong serye ni Piolo Pascual sa ABS-CBN 2 na  No Ordinary Love.

Gumaganap siya rito bilang kapatid ni Piolo. May ginagawa rin siyang movie ngayon mula sa Viva Films, na Sid and Aya, na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Anne Curtis.

At kahit busy si Cholo sa kanyang career, he sees to it na lagi pa rin siyang may time sa kanyang girlfriend na si Ryza Cenon.

img_20180226_124124

Speaking of Ryza, super galing niya bilang isang mistress sa serye ng GMA-7 na Ika-6 Na Utos.

Bagay sa kanya ang role, iisipin mo talaga na para siyang tunay na mistress.

Mabuti na lang at sa kanya naisip ng GMA-7 na ibigay ang role na kabit ni Gabby Concepcion sa nasabing serye

Nagagampanan niya talaga ito nang bongga, with flying colors.

Kaya nga maraming naiinis sa kanya. Ibig sabihin ay talagang effective siya sa kanyang role, di ba?

Leave a comment