Direk Cathy on directing Aga for the first time: Ka-tense

12

Si Direk Cathy Garcia-Molina ang direktor ng latest offering ng Star Cinema na “Seven Sundays” na pinagbibidahan nina Aga Muhlach, Enrique Gil, Dingdong Dantes, Cristine Reyes at Ronaldo Valdez.

First time nakatrabaho at naidirek ni Direk Cathy si Aga. Tinanong siya sa presscon ng pelikula tungkol kay Aga bilang katrabaho.

“Ka-tense,” natatawang sagot ni Direk Cathy.

“E siyempre The Aga Muhlach eh. So parang nung araw namin di ko alam kung kaya ko siyang sabihan ng take two, take three, iko-correct, kasi Aga Mulach na siya, eh. Best actor di ba ng generation niya? So ang hirap kasi mas experience pa siya kesa sa akin, di ba?  

“So alam ko meron siyang pagtingin minsan sa isang eksena, very different from mine. What I love about him was, he trusted me. And ‘yun lang naman ang kelangan ko para mawala yung hiya ko, mawala yung inhibitions ko para mas ma-guide ko siya along with the other actors.”

Bukod kay Aga, first time ding nakatrabaho ni Direk Cathy si Cristine at Dingdong na gumaganap bilang mga kapatid ni Aga sa nasabing pelikula.

“Actually si Quen (Enrique, na gumaganap din bilang kapatid ni Aga sa pelikula) ang na-direk ko na sa film. Sa lahat po, including Tito Ron (Ronald, na gumaganap na ama nila Aga sa pelikula) sa Maalaala ko lang siya nadirek at sa Munting Paraiso (dating serye ng ABS-CBN 2), pero for film, this is my first time with him. Si AA (Cristine) naman kahit sa TV, hindi ko pa siya naka-work, also Dingdong. So maraming first. Si Quen lang ang sawa na sa akin,” natatawang pahayag ni Direk Cathy.

Photo from Star Cinema
Photo from Star Cinema

Samantala, maraming nagulat nang sabihin ni Direk Cathy na hanggang dalawang taon na lang ang ilalagi niya sa showbiz, na titigil na siya sa pagdidirek.

Katwiran niya, “My family needs me. My kids need me. I have given enough for the business and for my company. It’s time I give my children my time.”

Mga ilang movies pa ang gagawin niya bago tuluyang iwan ang pagdidirek?

“After this (Seven Sundays), I have one more with Sharon Cuneta and Robin Padilla and then another one with KathNiel (Kathryn Bernardo and Daniel Padilla). And that’s it.”

Photo from Star Cinema
Photo from Star Cinema

Showing na bukas, Wednesday ang Seven Sundays.  Kasama rin sa pelikula sina Donita Rose, Kean Cipriano, Ketchup Eusebio, April Matienzo, Jeffrey Tam, Kyle Echarri, Kin Billote, Angelica and Angelee Cruz, Gabriel Iribagon at Alyanna Angeles.

Leave a comment