Did Kris Aquino greet Phillip and James on Father’s Day?

31

(Photo from Kris’ instagram account)

Binati ni Kris Aquino ng Happy Father’s Day ang ama ng kanyang mga anak na sina Phillip Salvador at James Yap.

Si Phillip ang ama ng panganay ni Kris na si Josh, habang si James naman ang ama ni Bimby, ang bunso ni Kris.

Sa kanyang Instagram post ay ipinakita ng TV host/actress ang litrato nina Josh at Bimby na may caption na, “These 2 are my inspiration, fulfillment, and my source of devoted appreciation & unconditional love. To Phillip & James, from Josh & Bimb- Happy Father’s Day. God bless you always.”

********************************************

Kamakailan ay ipinagdiwang ni Atty. Jocelyn Castaneda ang kanyang kaarawan kasabay na ang thanksgiving dahil sa pagiging ganap niya nang abogado pagkatapos niyang pumasa sa board exam. Ang punong abala sa kanyang double celebration ay ang anak na si Konsehala Jarah Castaneda.

img_2525

Bago ang celebration na ‘yun ng kanyang mommy, ay nagkaroon muna ng concert si Coun. Jarah  sa Music Hall, na nakasama niya si Ruru Madrid at Nikko Natividad.

Ano ang pakiramdam ni Coun. Jarah sa unang salang niya sa concert?

Siyempre po, happy. Kasi po kahit anong mangyari , experience po talaga ‘yun. ‘Yung  nakakanta, nakasayaw  sa harap ng maraming tao. Siyempe po masaya kasi amazing experience po ‘yun,” pahayag niya.

Ano naman ang feeling na ganap ng abogado ang Mommy  Jocelyn niya ?

“Actually po, ang sarap sa pakiramdam kasi po noong College po ako sabay po kaming nag-aaral. Siya po ay naglo-Law school, magkasama po kami sa condo so may times po na sabay talaga kami nag-aaral at minsan po siya ‘yung  motivation ko kasi po minsan parang gusto ko nang matulog  pero sa nakikita ko pursigido pa rin siyang mag-aral. Talagang siya po ang inspiration ko noong College po ako lalo na sa UP, ang hirap,” aniya pa.

Binigyan daw niya ng party ang mommy niya dahil gusto niyang mag-relax muna ito dahil sa hirap na pinagdaanan nito bago nakapasa sa bar exam. After kasi ng naturang party ay sisimulan na raw nina Atty. Jocelyn ang pagtatayo ng law firm.

Si Jarah naman ay seryoso na talaga sa pagpasok sa showbiz. Open siya sa posibilidad at mga  opportunity . Kung may darating daw na offer at projects ay pursigido rin  siya na mag-train, mag-workshop para makapag-deliver nang maayos. Gusto niya na pagtrabahuan talaga ‘yun.

Leave a comment