Is Dennis Trillo ready to be Jennylyn’s husband?

92

Kaarawan ni Jennylyn Mercado nung Martes, May 15.

Isang pagbati ang natanggap nya mula sa kanyang boyfriend na si Dennis Trillo sa pamamagitan ng Instagram account nito.

Nagpost ang aktor ng picture nila ni Jennylyn na karga-karga niya ito sa isang beach habang naka-smile ang girlfriend.

At ang sweet caption niya rito ay, “Papasanin ko kahit ang buong mundo para lang sa’yo, makita ko lang na lumigaya ka ng ganito, Maligayang kaarawan mahal ko.”

O, di ba, ang ganda ng birthday message ni Dennis kay Jennylyn?

Mukhang this time ay super in love na talaga sa isa’t-isa sina Dennis at Jennylyn, huh!

Mukhang hindi na sila maghihiwalay pa. Nagkatotoo sa kanila ang kasabihang “Love Is Lovelier The Second Time Around.”

Pero sana nga ay humantong na sa simbahan ang kanilang pagmamahalan, di ba?

••••••••••••••••••••••••••••••••••

Kasama si Andres Vasquez sa “Michael Angelo..The sitcom” na napapanood tuwing Linggo sa NewsTV at 10:30am.

andres

Swak sa kanya na mapasama sa sitcom, dahil marunong din siyang magpatawa, sa kabila ng magaling siyang magdrama.

Soon, magsisimula na siya ng shooting para sa isang pelikula na kasali sa Cinemalaya 2018.

Leave a comment