Dennis Padilla is sure about bringing back action-comedy film

39

Unang directorial job ni Dennis Padilla ang pelikulang “The Barker” na tinatampukan ni Empoy Marquez.

Sa kuwento ng komedyante na ngayon ay isa nang movie director sa nakaraang press conference ng pelikula ay sinabi niya na gusto niyang buhayin at ibalik muli ang action comedy film.

Malaki ang paniniwala niya na may pag-asa pang bumalik ang mga pelikulang may katatawanan na puno rin ng aksyon sa mga eksena.

Ito rin kasi ang mga tipo ng pelikulang ginagawa niya dati sa bakuran ng Viva Films kung saan siya ay nakilala at talaga namang pinilahan ang kaniyang mga pelikula.

Dahil dito, ito ang mga naging inspirasyon niya sa bagong yugto ng karera niya sa showbiz. Palibhasa’y nahasa siya at nasanay sa mga ganoong klase ng pelikula ay hindi na siya masyadong nahirapan habang ginagawa ang pelikulang “The Barker.”

img_20171007_092302

Hangang-hanga si Dennis sa kaniyang lead actor na si Empoy dahil sa pagiging professional nito at pagiging magiliw daw nito sa set kaya palaging masaya ang kanilang shooting. Laking pasasalamat din niya dahil hindi raw siya binigyan ng sakit ng ulo ng kaniyang mga artistang tampok sa pelikula.

Siyempre pa, nagpapasalamat din ang actor director sa mga producer ng pelikula na si Arlyn dela Cruz ng Blank Pages Production at Vic Del Rosario ng Viva Films.

Of course, umaasa si Dennis na tatangkilikin ng mga tao ang kanilang pelikula lalo pa’t ibinuhos niya ang lahat ng kaniyang nalalaman at galing para mabuo ang una niyang proyekto bilang direktor.

received_10213997344878128

Palabas na ang pelikula sa October 25 sa mga sinehan nationwide. Bukod kay Empoy, tampok din sa pelikula sina Shy Carlos, Gary Lising at marami pang iba.

Leave a comment