‘Dalawang members ng Hashtags, nakabuntis’? Mccoy De Leon reacts on the issue

464

Dumating ang young actor at Hashtags member na si McCoy de Leon sa premiere night ng pelikula nina Xian Lim at Coleen Garcia na “Sin Island.”

Produced by Star Cinema, kabilang ang young actor sa cast ng movie bilang assistant ni Xian na isang wedding photographer.

Bago ang screening, nakausap namin si Mccoy. Tinanong namin sya sa isyung dalawang members ng Hashtags, nakabuntis. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapangalanan ang dalawang Hashtags na nakabuntis.

Sabi ni Mccoy, ”Para sa akin po, hindi ko masigurado kasi wala pa rin akong ebidensiya pa talaga. Pero kung sakaling totoo, alam kong paninindigan nila. Kilala ko kasi sila, lahat ng kagrupo ko,” pahayag ni Mccoy.

Pero part ba ng rules ng pagiging Hashtags ang bawal ang makabuntis?

“Hindi ko po sure ‘yung eksaktong pinakapatakaran. Pero ang alam ko lang, ‘yung discipline kumbaga, ‘yun ang pinapa-priority sa amin.  Siyempre ‘yung image din po, public figure po kami, siyempre bilang inspirasyon kami (ng kanilang mga tagahanga), dapat good example kami.”

Nakausap din namin si Elisse Joson na dumating din sa special screening para suportahan ang kanyang ka-loveteam na si Mccoy.

fb_img_1518515452672

Tinanong namin siya kung bukod kay Mccoy, ay may nagpaparamdam/nagpapalipad-hangin pa ba sa kanya.

“Siguro kasi alam nila na nandiyan na si Mccoy kaya ayun, wala,” sagot ni Elisse.

Paano ba ipinapakita ni McCoy ang pagmamahal nito sa kanya?

“Si Mccoy kasi lagi siyang nandiyan for me. Na kung halimbawang hindi kami magkasama sa trabaho, paparamdam niya na nandiyan pa rin siya,” kwento ng dalaga.

received_10215035331507145

Showing na Feb. 14 ang “Sin Island” sa maraming sinehan. Mula ito sa direksyon ni Gino Santos.

Leave a comment