Composer-manager writes song for Sharon Cuneta

47

Binigyan kami ng aming kaibigan ng kopya ng latest album ni Sharon Cuneta na produced ni Jonathan Manalo para sa Star Music titled “Sharon Cuneta Megastar.”

Nabili niya ang album nang manood siya ng concert ni Sharon last Friday, na ginanap sa Araneta Coliseum.

Dalawa ang binili niya kaya naambunan kami ng isang kopya.

Ang nasabing album ay may 12 cuts. In fairness, magaganda ang songs na nakapaloob dito, piling-pili talaga, wala kang itutulak kabigin.

Pero ang pinakanagustuhan namin sa lahat, na talagang tumatak sa amin gaya nung unang narinig namin ang kanta ni Sharon na Bituing Walang Ningning, ay ang “Pag-Ibig Kong Ito” mula sa komposisyon ni Joel Mendoza.

received_153326965613124

Ang sarap pakinggan ng nasabing kanta, ang ganda ng melody at ng lyrics. Feeling in love kami nung naririnig namin ito. Ang pagkakaalam namin, maraming singer ang gustong i-record ito nang iparinig ito sa kanila ni Joel.

Pero sabi ni Joel, nilikha niya ang kanta para lang talaga kay Sharon. Natutuwa naman si Joel dahil nagustuhan ng mommy ni KC Concepcion ang kantang ginawa niya na napasama nga sa bagong album ni Sharon.

Ang album ni Sharon ay hindi pa out sa record bars. Gumawa lang ng sample ang Star Music para ibenta sa mga nanood ng concert ni Sharon, sa kanyang mga tagahanga.

Ang isa pa sa talagang nagustuhan namin sa album ay ang kantang “May Kasama Ka” na mula naman sa komposisyon ni Jonathan. Nakakagaan ng puso ‘pag pinapakinggan namin ito.

***********

Siguradong malulungkot ang mga tagahanga ng isang sikat na loveteam dahil break na pala sila, at may iba nang boyfriend itong si girlalu na kasamahan niya sa iisang network. Ito’y ayon sa aming reliable source.

Gwapo rin daw ang ipinalit ni girl sa ka-loveteam at dati niyang boyfriend. Madalas nga raw ngayong magkasama ang dalawa na nagdi-date sila, at ‘pag ginagabi raw sila sa kanilang date, ay natutulog umano itong si girl sa bahay ng bago niyang boyfriend.

Hindi lang sigurado ang aming source kung magkatabi ang dalawa o sa guest room ng bago niyang boyfriend natutulog si girl.

Sino itong si girl na may bago nang boyfriend? Basta nagagandahan kami sa kanya, mukha siyang barbie, at mahusay umarte.

Leave a comment