Clique5 delivers touching christmas song ‘Tuwing Pasko’

41

Malakas ang dating ng bagong all male group na Clique5 na kinabibilangan nina Josh, Karl, Sean , Marco at Clay.

Bukod sa may mga itsura, hindi rin matatawaran ang galing nila sa pagkanta at pagsayaw.

Malaki ang paniniwala ng 3:16 Events and Talent Management na malayo ang mararating ng mga ito kaya puspusan ang ginagawang pagbi-build up sa kanila.

Sa katunayan bago pa man sumalang sa recording, dumaan muna ang lima sa acting workshop sa PETA, voice lesson at personality development training.

Maganda ang kinalabasan ng kanilang recording at masasabing swak na swak sa millennials ang debut album ng grupo dahil ang award-winning songwriter (Grand
champion ng 2014 Himig Handog P-Pop Love Song) na si Joven Tan ang halos bumuo ng mga kanta. Alam na alam kasi ng magaling na composer ang kiliti at gusto ng mga tao.

Isa sa mga siguradong papatok na kanta sa kanilang album dahil ang sarap pakinggan sa tenga ay ang madamdaming christmas song na Tuwing Pasko.

Maganda rin ang hugot song na Bakit Hindi? at ang upbeat na Pwede Ba, Teka Muna na ang lakas maka-LSS.

Marami mang nagsusulputang mga all male group ngayon ngunit tiyak namang magkakaroon ng espasyo sa entertainment world ang Clique5 dahil sa talento ng mga bata.

img_20171128_075601

Sabi pa nga nila, kung mabibigyan ng pagkakataon bukod sa pagkanta at pag-awit ay gusto rin nilang subukan ang pag-arte.

Karamihan sa kanila nang tinanong ng entertainment press kung sinong gustong makatrabaho sa teleserye o pelikula ay nagkakaisa sa pagsasabing si Liza Soberano ang gusto nilang maging leading lady.

Leave a comment