Carlo Aquino reaches out Angelica again? Why not.

124

Si Angelica Panganiban ba ang tinutukoy ni Carlo Aquino sa kanyang tweet noong Thursday tungkol sa isang matalik na kaibigan na gusto niyang maging matalik na pag-ibig?

Sabi ng award-winning actor sa Twitter post niya, “Matalik na kaibigan, maaari ba kitang maging matalik na pag-ibig?”

Ang iniisip nga ng iba, Carlo is referring to Angelica.

Nakarelasyon kasi ni Carlo si Angelica noong sila’y mga bata pa. Nung naghiwalay sila, napanatili naman nila ang kanilang pagkakaibigan.

Naging matalik pa rin silang magkaibigan.

Nung na-interview nga si Angelica sa Gandang Gabi Vice kamakailan, sinabi niya sa host nito na si Vice Ganda na matalik silang magkaibigan ni Carlo.

Naghiwalay daw sila nang walang galit na naramdaman sa isa’t-isa. Maayos naman daw ang naging hiwalayan nila.

So base sa sinabi ng aktes na matalik silang magkaibigan ni Carlo, posible nga kaya na siya ang tinutukoy ng binata?

Single na kasi si Carlo ngayon, kahihiwalay lang nila ni Kristine Nieto at si Angelica ay nananatili pa ring loveless after nilang maghiwalay ni John Lloyd Cruz ilang taon na ang nakakaraan.

Baka naman muling nagpaparamdam si Carlo kay Angelica, di ba?

Muli nga kaya niyang ligawan si Angelica?

At kung muli siyang sagutin ng aktres, magkakaroon ng part 2 ang relasyon nila.

Siguradong this time ay posibleng maging maayos na ang kanilang relasyon dahil pareho na silang matured, na kaya na nilang magdala ng isang relasyon.

Samantala, si Carlo ang bidang lalaki sa romantic-comedy film na “Meet Me In St.Gallen” na mula sa direksyon ni Irene Villamor, produced by Spring Films and Viva Films.

meet-me-in-st-gallen

Ito ang first time ni Carlo na gumawa ng isang rom-com.  Katambal niya sa pelikula si Bela Padilla.

Showing na ang pelikula sa February 7.

*******************

Balik-Pilipinas na ang dating beuty queen turned singer/actress na si Ali Forbes matapos mag-perform sa isang event sa New York City.

ali

Marami siyang napahanga dahil sa magandang performance na ipinakita niya at sa angkin niyang kagandahan.

Matatandaan nga na sa nakaraang Star Awards For TV na ginanap sa Ateneo Manila ay siya ang tinanghal bilang Face of the Night.

Kasama si Ali sa serye ng ABS-CBN 2 na “Sana Dalawa ang Puso” na gumaganap bilang nakababatang kapatid ni Robin Padilla.

Soon ay magiging busy din siya sa paggawa ng dalawang pelikula, na importante ang papel niya sa mga ito.

At malapit na ring i-launch ang dalawang singles niya mula sa komposisyon ni Lito Camo.

O di ba, busy as a bee ang dalaga? Pero kapag wala siyang ginagawa, ay ang sariling vlog niya sa YouTube ang kanyang pinagkakaabalahan.

Leave a comment