Brunei-based businesswoman slams sexy star over money issue

329

In the news na naman ang Brunei based businesswoman na si Kathlyn Dupaya. Sa mga hindi nakakakilala sa kaniya, siya ay dating OFW na tumama ng lotto sa bansang Malaysia na yumaman at umasenso sa bansang Brunei.

Pagkatapos ng mga litanya niya at galit dati kay Pia Wurtzbach dahil sa diumano’y fake na Hermes bag na binigay niya sa 2015 Miss Universe na ikinalat daw ng malapit sa beauty queen ay kontrobersyal na naman siya.

Sa mga post niya sa kaniyang facebook account ay nanggagalaiti siya sa dating sexy star na si Ynez Veneracion. As in galit na galit siya at talaga namang masasakit na salita ang mga binitiwan niya sa kaniyang mga post.

Nag-ugat ang galit ng mayamang negosyante dahil sa isang interview kay Ynez na napanood niya. Sa interview kasi ay may nasabi si Ynez na parang na-scam daw siya at ng mga kaibigan niya ng isang negosyanteng taga-Brunei.

fb_img_1526436626329
Ynez Veneracion

May sinabi pa siyang ipapa-Tulfo niya raw ito dahil sa hindi niya pagtupad sa pangako. Ang tinutukoy nito ay ang perang ininvest daw nila sa negosyante na kinukuha na pero hindi raw maibalik. Hindi niya diretsahang tinukoy ang pangalan pero para kay Kathlyn ay obvious na siya ang tinutukoy nito.

Of course, dahil dito ay lumagablab ang galit niya at nagawa nitong magpa-presscon para ipaalam at sabihin ang nasa saloobin niya hinggil sa mga sinasabi at patutsada ni Ynez sa kaniya. Ayon sa kaniya, tubo na lang daw ang hinahabol ni Ynez at ang principal ay naibigay na at kumita pa ng malaki.

Aminado si Kathlyn na may problema ngayon sa kaniyang mga negosyo pero hindi niya tatakbuhan ‘yung hinahabol na pera ni Ynez na ayon sa kaniya ay maliit na lang na halaga. Ang ipinuputok lang ng butsi niya ay sana raw ay makita ang mga ginawang kabutihan sa kaniya at never siyang nag-scam.

fb_img_1526436480341

Oo nga naman, may point din naman siya na sana ay huwag nang idaan, ipost o kung anuman ang problemang meron sila. Pwede na lang ayusin na sila lang ang mag-uusap tutal nakinabang din naman sila sa perang ininvest nila. Naging mabuting kaibigan din naman si Kathlyn sa kaniya at sa kung sinoman sa mga iba pa na tinutukoy ni Ynez.

Isa pa, hindi naman niya tatalikuran ang responsibilidad niya sa mga perang ininvest sa kaniya na ‘yung iba nga ay interest na lang ang kinukuha. Bigyan lang ng tamang oras at panahon. Basta ang masasabi ko lang mabuting tao si Kathlyn at alam ‘yan ng mga taong nakasama niya at naging mga kaibigan.

Leave a comment