Behind every successful man there is a woman–Aiko Melendez supports boyfriend’s candidacy

76

Naging konsehal noon ng District 2 ng Quezon City si Aiko Melendez. Pero, hindi niya na itinuloy ang pagiging politician, nagdesisyon siya na ang showbiz career na lang ang pagtuunan ng pansin.

Pero dahil maraming nagawa nung siya ay konsehal pa sa kanyang constituents, kaya gusto ng mga ito na bumalik siya sa politika.

Sa kanyang Facebook account, nag-post si Aiko ng mahabang message bilang tugon sa mga nagmamahal at sumusuporta sa kanya, kung tatakbo nga ba ulit siya sa susunod na eleksyon.

Narito ang FB post ni Aiko, “Nitong mga nakaraang araw marami ang nag-uudyok sa akin, na ako ay bumalik sa pulitika. Nakakataba ng puso. Sa paglipas ng ilang taon na pamamahinga sa public service, ako ay naiisip pa rin ng mga ka distrito ko para manilbihan muli sa kanila. To be honest I’ve had sleepless nights, I was really considering to run for the right reasons. Lalo na nung lumalabas pa rin ang aking pangalan sa surveys na ginawa ng mga taga Lungsod Quezon. Una dahil 9 years naman akong nanilbihan bilang konsehal ng district 2 Quezon City, pagdating sa papasukan ko hindi ako mababato na hindi ko alam ang aking pinapasukan. Mainly because for 9 years, public service became my Life. In this field I have learned so much. I have learned to simplify my life and fight for the women. Sa mga nakakakilala sa akin alam nila kung gaano ako ka vocal kapag may nakikitang mali. Nakakataba rin ng puso na ang mga taga supporta at malapit sa ating Pangulo ang nakapagsabi na itataas ni Pangulong Duterte ang aking kamay bilang simbolo ng kanyang paniniwala sa aking kakayahan. Salamat po Mahal na Pangulo. Hindi naman po kailangan suklian ang pangangampanya ko po sa inyo dati ng libre. Ngunit meron po talagang panahon kung kelan mas pipiliin nyo ang tahimik na buhay at pagpili na tumayo sa tabi ng aking boyfriend at mga anak sa oras na sa tingin ko mas higit nila akong kailangan. Nagkataon din na sa darating na taon marami po na trabaho ang naka linya sa akin. Ayaw ko po ibigay ang oras ko naman sa paninilbiban ng may kahati or hindi buo.Tatakbo rin po bilang vice Governor ang aking mahal na si Jay Khonghun, sa halos isang taon naming magkasama at magkarelasyon naikwento nya sa akin ang magagandang plano nya sa kanilang probinsya. At naniniwala ako na mas panahon nya at mas nangangailangan ang Zambales ng bagong liderato. Mahal ko ang Quezon City, maraming paraan na ako ay tutulong pa rin sa abot ng aking makakaya. But for now I will choose to stand by my man. Because I always believe behind every successful man there is a woman. Madami na kaming pinagdaanan pareho ni Jay sa buhay. Pati kung paano namin pinaglaban kung ano ang meron kami now, and we choose to make our relationship work and I will support him the best way I can. No goodbyes only later! I shall see you all soon after 3 years! Maraming Salamat po. 

Leave a comment