Bea Alonzo reacts to “Movie Queen” title

96

Walang nagawang pelikula last year si Bea Alonzo. Pero this year ay bumawi ang magaling na aktres, mapapanood siya sa tatlong pelikula.

Ang una na nga ay “Kasal” mula sa Star Cinema.

Leading men niya sina Paulo Avelino at Derek Ramsay.

Sa presscon ng “Kasal,” ipinaliwanag ni Bea ang dahilan kung bakit hindi niya nagawang gumawa ng pelikula noong nakaraang taon

Sabi ni Bea, ”Because I was busy doing “A Love To Last” (ang seryeng pinagbidahan niya). Na-extend ‘yung soap opera kaya po buong taon, ‘yun lang ang pinagkaabalahan ko. And almost everyday po kaming nagti-taping, so wala po talagang room sa schedule ko to do a film.”

Nakagawa na ng pelikula si Bea with Derek years ago. Una silang nagsama sa “One More Chance” (2007), na sinundan ng “And I Love You So” (2009), both from Star Cinema.  How is it working with Derek again after so many years?

received_10156594215826424

“It feels good na makatrabaho ulit si Derek,” sagot ng aktres.

“Kasi ewan ko, may iba sigurong chemistry, ‘yun ang napi-feel ko at least, when doing a scene together. Parang napi-feel ko ang dali ng lahat, nagkakaintindihan kami. And nung napapanood ko sa monitor, pag preview, natutuwa ako.  Sabi ko, nami-miss ko talaga si Derek sa isang Star Cinema movie. At lagi kong sinasabi sa past interviews ko, na si Derek is born to be a leading man. Kasi ang gwapo, oozing with sex appeal and he’s a good actor. Parang may mga tao talaga na ganyan, born to be an actor, to be a leading man.”

Si Paulo naman ay frist time lang nakatrabaho sa pelikula ni Bea.

received_10156594215691424

“First time naming magkatrabaho sa big screen. Iba rin, iba siya rito, iba ang binigay ni Paulo rito. Nakakatuwa kasi iba ang binigay niyang energy sa set.”

Si Bea ang sinasabi ng marami na new generation’s Movie Queen.

At mula rin mismo sa dating binansagang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces, sinabi niya na si Bea Alonzo ang Movie Queen ng kanyang henerasyon.

At ang reaksyon ni Bea tungkol dito?

“Siyempre  nakaka-flatter po pag naririnig ko.

“Pero para sa akin kasi marami namang queen, movie queen of this new generation. Nandiyan si Angel Locsin, si Angelica Panganiban. 

“Pero of course, nakaka-flatter kasi sa totoo lang, first love ko talaga ang paggawa ng pelikula. Ito talaga ‘yung medium na nai-enjoy ko talaga. So  I guess, all I  can say is thank you.”

received_10156594215701424

Ang “Kasal” ay mapapanood na simula sa May 16. Mula ito sa direksyon ni Ruel S. Bayani.

Leave a comment