Barbie, Ken–improved actors says Joel Lamangan; Barbie, Jak to receive German Moreno Power Tandem

20

Hangang-hanga ang direktor ng pelikulang handog ng Regal Multimedia, Inc. na si Joel Lamangan sa ipinakitang husay ng KAPUSO STARS na si Barbie Forteza at Ken Chan.

Talagang nakitaan ng mahusay na performance ang dalawang Kapuso stars. Marahil ay nailabas ni Barbie at Ken ang kanilang maturity at angking kahusayan sa pag-arte.

Walang naging problema si Direk Joel sa dalawa. Kung bibigyan nga ng grado ang acting ability ni Barbie at Ken ay makakakuha ito ng mataas na grado mula sa direktor.

Hindi naman daw nasigawan ang mahuhusay na artista ng syete na si Barbie at Ken. Nai-deliver nila ng mahusay at tama ang bawat emosyong hinihingi sa pelikula. Plus points iyon kay Direk, ibig sabihin ay talagang nag-level up at nag-improve ang dalawang stars.

Kaya naman, kaabang-abang ang This Time I’ll Be Sweeter. Maraming nagandahan sa trailer ng pelikula. At talagang pinaluha at pinakilig agad kami sa trailer palang.

Lahat ng fans ay kilig na kilig sa dalawa. Ang wish nga nila ay marami pang projects ang i-offer para kay Barbie at Ken.

Ngayon palang ay gusto na naming i-congratulate si Direk Joel at ang mga artistang si Barbie at Ken. Pati na rin ang buong produksyon. Ang Regal Multimedia, Inc.

Mapapanood na sa lahat ng cinemas nationwide ang This Time I’ll Be Sweeter, November 8. Part din sa pelikula sina Ara Mina, Neil Ryan Sese, Yayo Aguila, Kim Rodriguez, Hiro Peralta, Akihiro Blanco, Jai Agpangan, Kaki Ramirez, at marami pang iba.

Photo from Jak's instagram account
Photo from Jak’s instagram account

Samantala, tatanggapin ng loveteam na JAKBIE (Jak Roberto at Barbie Forteza) ang award na GERMAN MORENO POWER TANDEM mula sa 31st PMPC STAR AWARDS FOR TV na gaganapin sa ika-12 ng Nobyembre sa Henry Lee Irwin Theater, Ateneo de Manila University.

Leave a comment