Atty. Topacio against Sen. Koko; Barbara Milano enters politics again

17

Nakausap namin kamakailan ang celebrity lawyer na si Atty. Ferdinand Topacio sa isang resto sa may Pasig.

At dun namin napag alaman na tuloy ang pagsampa niya ng kaso sa COMELEC hinggil nga sa muling pagtakbo ni Senator Koko Pimentel sa nalalapit na eleksyon.

Sabi nga ni Atty ay gusto lang niyang itama ang mali na alam niya.

“Hindi ako galit kay Senator Koko. Wala akong personal na galit,” aniya.

At habang kausap namin siya ay may biglang dumating na bisita at siya’y walang iba kundi si Barbara Milano, ang dating sexy star turned politician.

May isasangguni raw si Barbara kay Atty. Ferdie. Magpapa-advice siya.

At dun din namin nalaman na tatakbong Vice Mayor ng Talavera, Nueva Ecija si Barbara.

“Yes, I’m running for Vice Mayor,” pag-amin niya.

Sa mga ‘di nakakaalam ay hindi na bago sa pulitika si Barbara. Naging konsehal na rin siya sa kanilang bayan.

Ang huling movie ni Barbara ay ang “Virgin Forest.”

At mahigit dalawang dekada na sila magkakilala ni Atty bilang magkaibigan.

Leave a comment