Angelica willing to be Zanjoe’s boyfriend

25

May bagong serye si Angelica Panganiban sa ABS-CBN 2, ang Playhouse, na katambal niya si Zanjoe Marudo. 

Tinanong namin si Angelica, kung kamusta si Zanjoe bilang isang leading man.

“Masaya! Magaan siyang katrabaho. Hindi naman siya nali-late (sa set). At  magaling naman siyang artista,” share ng Playhouse actress.

Ang Playhouse ay mapapanood na sa Kapamilya network simula sa Lunes, Septembe 17, bago ang It’s Showtime.

Ito ang papalit sa time slot na iiwan ng seryeng “Sana Dalawa Ang Puso” na magtatapos na bukas

Mataas ang rating ng nasabing serye, na pinagbibidahan ni Jodi Sta. Maria. Kaya tinanong si Angelica, kung may pressure ba siyang nararamdaman, na sana panoorin din ng tao ang kanilang serye, na gaya ng pagtanggap sa Sana Dalawa Ang Puso.

Sagot ni Angelica, “Siyempre, may kaba kaming nararamdaman, may kaba talaga. Dahil alam naman nating lahat kung paanong suportahan si Mama Jodi sa oras niya, bago mag-Showtime. So, may kaba, may pressure, pero dahil nga pinaghirapan naman namin, at confident naman kami sa tinrabaho namin, mas hopeful kami, na positive way, na mas dun kami nagli-lead, na mas excited kami, na panonoorin ito ng mga tao.”

img_20180913_103645

Sampung taon nang magkakilala at magkaibigan sina Angelica at Zanjoe, so masasabi ba ni Angelica na basang-basa o kilalang-kilala niya na si Zanjoe?

“Hindi pa rin siguro ganun ka- basang-basa. Pero siyempre alam ko na kapag  hindi niya gusto ‘yung mga nangyari, ‘yung sitwasyon, ayaw niya ‘yung lugar, hindi siya kumportable, sa mga ganun, siguro kilala na namin ‘yung isa’t-isa.”

Since single siya ngayon, at single rin si Zanjoe, kung sakaling ligawan siya ni Zanjoe, ie-entertain ba niya ang panliligaw nito?

“Kung sakali? Diyos ko naman grabe, parang ang choosy ko naman.

“Oo naman ie-entertain ko siya kung gugustuhin niya ako, kung na-pretty-han na  siya sa akin.”

Ano ‘yung mga katangian ni Zanjoe na masasabi niyang boyfriend material ito?

“Ang awkward, eh. Kasi nakita ko siya sa lahat ng mga naging girlfriends niya, kaibigan ko ‘yung mga ex niya kaya alam ko siya bilang isang boyfriend.

“Siguro masasabi ko na malambing siya, maasikaso. Talagang hindi ko naman siya nakitaan na parang nag-cheat siya sa naging partner niya.”

Kung sakaling liligawan nga siya ni Zanjoe, at sasagutin naman niya ito, na magiging sila, sa tingin niya, ia-approve ‘yun ng mga ex ni Zanjoe?

“Siguro naman.”

“Si Mariel (Rodriguez-Padilla), may anak na, may asawa na. Si Bea, happy na rin naman (sa piling ni Gerald Anderson).”

Leave a comment