Angel nervous about first taping day with Maricel

35

Sa bagong serye ng ABS-CBN 2 na “The General’s Daughter” na pinagbibidahan ni Angel Locsin, ay kasama niya rito ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Sa unang taping day ni Angel para sa nasabing serye, ay si Maricel agad ang naka-eksena niya. Puring-puri sya sa pagiging professional nito.

“Sobrang kabado ako kasi si Ms. Maricel, alas-siyete ang call time, alas-kuwatro pa lang, nangangatok na siya sa mga kuwarto. Ganoon siya ka-professional,” sabi ni Angel tungkol kay Maricel sa interview sa kanya ng ABS-CBN News

Dagdag niya, “At dumarating siya ng naka-body makeup na. Doon kasi, mahirap ‘yung role niya. Ang puti-puti pa niya so kailangan pa niya magpa-dark and on time siya palagi and she’s very professional. Ang galing pa rin niya and wala pa rin siyang kupas and she’s very supportive.”

*****

Nasa Pinas ngayon ang Asia’s top transgender supermodel slash lawyer at internet sensation ng Bangkok, Thailand.

fb_img_1539935869262

Siya’y si Mader Sitang na may pasiklab bukas ng gabi (October 20) sa Fahrenheit Café, E Rodriguez Sr. Ave, QC 11 PM at One 690 Entertainment, Roces Avenue, QC ng 12 Midnight. Bukas (October 21) naman ay mapapanood pa rin siya sa One 690.

Yes, nilusob ni Mader Sitang ang Manila para pasayahin ang mga Filipino fans. Personal na siyang makikita. Siguradong mapapanood ang nakakaaliw niyang signature hair flipping dance moves, will surely spell G-O-O-D V-I-B-E-S in striking, red BOLD letters.

Ang pinag-uusapang Mader Sitang Manila Tour phenomena ay handog ng Mr. Gay World-Philippines 2009 (former National Director) and WEMSAP (Web Marketers Specialist Association of the Philippines, Inc.,) founder at President na si Wilbert Tolentino.

“Prepare yourself for a wind blowing Sitang extravaganza,” deklara ni Mr. Tolentino na isa ring LGBTQ influencer.

Leave a comment