Andre while watching his mom Aiko: Ang sarap nya kutusan sa galing

33

Gumaganda na ang takbo ng career ni Andre Yllana dahil nga marami na ang nagtitiwala sa kanya ngayon.

Hindi lang ang ABS-CBN 2. Pati ang BNY ay kinuha na rin siya bilang endorser ng produkto.

Kaya naman natutuwa ang kanyang mother na si Aiko Melendez. Sabi nga, slowly but surely.

Nang makausap nga namin siya sa “Wow It’s Showbiz” sa Radyo Inquirer ay talagang masasabing seryoso na siya sa showbiz.

received_1738095646221508

“Sabi kasi ni Mama, kapag naka-graduate ako ng high school dun lang ako pwedeng pumasok sa showbiz,” sabi niya.

“At ito na nga po ngayon. Pinagbubuti ko na po. Tuluy-tuloy ang acting workshop ko kina Tito Ogie Diaz.

“Mahirap po talaga na parehong artista ang magulang mo. Lalo na at mahuhusay silang  artista. Talagang di ka maaaring ‘di i-compare.”

Ang husay nga ni Aiko bilang kontrabida sa Wildflower. At umaani pa ng acting awards sa iba’t ibang award giving bodies.

“Pinanonood ko siya. Ang galing niya. Naiinis ako sa kanya kapag pinanood ko siya. Ang sarap niya kutusan sa galing.”

Naitanong din namin sa kanya ang bagong manliligaw ni Aiko. Boto ba siya sa isang mayor ng Subic?

“Okay naman sa akin. Maayos naman at dumadalaw naman sa bahay. Kung saan masaya e, dun na rin ako. At nakakausap ko naman. Mukhang seryoso naman.”

About Jomari Yllana.

Sa ngayon ay busy din ang kanyang ama na si Jomari sa politics kaya si Andre na ang kusang dumadalaw sa kanyang tatay.

Hindi tulad ng dati na si Jom ang dumadalaw.

Abangan pa si Andre sa mga darating pang projects under ABS CBN 2.

Leave a comment