Trailer pa lang ay marami na ang kinikilig sa bagong pelikula ng BG Productions na “Almost A Love Story” na pinagbibidahan nina Derrick Monasterio at Barbie Forteza.

Sayang at hindi namin napanood ito kagabi sa premiere showing nito dahil wala kaming natanggap na imbitasyon. First time na hindi kami na-invite sa premiere night ng BG movie.

Anyway, kung hindi kami nagkakamali, ito ang unang pelikulang pinagbidahan nina Barbie at Derrick.

May chemistry naman sila kahit alam naman ng publiko na may namumuo nang magandang samahan kina Barbie at napapabalitang boyfriend niya na si Jak Roberto.

Akmang- akma ang titulo ng pelikula sa naudlot na love story sana nilang dalawa.

Aminado ang binata na muntik nang maging sila ni Barbie. Konting-konti na lang daw ay naging girlfriend na niya ang dalaga. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay hindi sila itinadhanang maging magkasintahan.

received_10156830122720961

Isa pa, nung time na nililigawan ni Derrick ang dalaga ay mukhang hindi pa sila seryoso dahil sa mga bata pa sila. Sayang nga lang at marami ang nagsasabi na bagay sila.

Bukod sa maganda raw ang istorya ng pelikula ayon sa direktor na si Louie Ignacio na siguradong kukurutin daw ang ating mga puso ay punung-puno rin ito ng kilig.

Added attraction din sa pelikula ang naging location nito sa napakagandang lugar na Salento na matatagpuan sa Southern, Italy. Siguradong mabubusog ang mata ng mga manonood sa magagandang tanawin sa naturang lugar.

Palabas na ang pelikula sa mga sinehan nationwide ngayong araw na ito.

Ito ang pelikulang hindi dapat palampasin dahil ang kuwento nito ay nangyayari sa tunay na buhay.

Kasama rin pala sa pelikula bukod kina Barbie at Derrick sina Ana Capri at Lotlot de Leon.

(Entertainment editor: JOSH MERCADO)

Leave a comment