Allan K answers netizen saying that Alden is using Maine; clarifies Alden, Patricia live-in issue

37
Photo from Allan K's instagram account

Sinagot ni Allan K ang isang netizen na pilit iniuugnay sa isa’t-isa ang kanyang co-hosts sa Eat Bulaga na sina Alden Richards at Patricia Tumulak.

Ang netizen na may handle name na @rosalindaortega36 ay nagkomento sa isang Instagram post ni Allan K.

Sinabi nito na sina Alden at Patricia na lang ang gawing magka-love team dahil ang mga ito naman daw ang talagang “real lover.”

Sabi pa nito, huwag na raw gamitin ni Alden ang ka-love team nitong si Maine Mendoza. Inakusahan pa ng netizen si Allan K na nagsisinungaling sa fans ng tambalang AlDub (Alden at Maine).

At ang grabe pang akausasyon nito kina Alden at Patricia ay nagli-live-in na raw ang mga ito sa isang condo unit sa Taguig. Ang sagot ni Allan sa netizen, “Kawawa ka naman sa mga info mo. Mag-pray ka for wisdom.”

******************************************************

Narito ang schedule ng showing ng pelikulang Nabubulok, isa sa entries sa Cinemalaya 2017, mula sa direksyon ng baguhang si Sonny Calvento.

img_20170802_094335_733

Bukas, Sunday, ay showing ito sa Greenbelt 1 (Cinema 2) at U.P Town Center, sa parehong oras at 2:30pm, sa Monday, ay sa Greenbelt 1 (Cinema 1)  at Fairview Terraces – 7:00pm. Tuesday, sa Marquee Mall Angeles Pampanga-7:00pm, Glorietta 4 at Trinoma-9:30pm, Wednesday, sa Greenbelt 1 ( Cinema 1),  Fairview Terraces- 4:30pm at CCP Studio Theater – 6:15pm. Thursday sa CCP Little Theater-10:00am at Glorietta 4-3:30pm, Friday, sa CCP Little Theater -10:00am, Gloriietta 4 at Trinoma -4:30pm at Greenbelt 1 (Cinema 1) at Fairview Terracess-9:30pm, Saturday,  sa  CCP Main Theater -10:00am at Greenbelt 1 (Cinema 2) at UP Town Center -4:30pm at Marque Mall-9:30pm at sa Sunday ay showing ito sa Greenbelt 1 (Cinema 2) -7:00pm at  Trinoma-9:30pm.

Leave a comment