Alessandra De Rossi writes script for her own film

60

A diary that brings back time. For Assunta de Rossi, it was the one with the lock and key. For Alessandra de Rossi, it was just a plain diary.

Her stories

“Si Assunta kasi, marami sikreto ‘yun maski nung bata pa kami. Ako naman, kung ano lang maisip. Kasi I get bored easily. Kaya I jot down lang kung ano lang nararamdaman ko tapos makakalimutan ko na. Pero cryptic messages na ako lang ang makakaintindi. Kaya gumawa ako ng sarili kong codes.

“Hindi ako poet. Ang sinimulan kong isulat were songs. Na ginawan ko ng video. Kung saan nakabuo naman nako ng istoryang serye, ‘yung The Diary of  30-Something Women. Six women. Si “12” naman, nasulat ko nung January 2016 pa. Bigla ko lang naisip. Na gusto kong may kabatuhan ako sa eksena. Kaya na-challenge ako.

“Sabi ko lang dun sa producer namin sa Cornerstone, si Lucky, basahin niya. Kwento lang talaga siya. No, hindi ko naman alam na nagsusulat na si Bela (Padilla) ng story that time. 2015 ko naman ito ginawa.

“Hanggang sa ito ngang “12,” nabuo. Parang hindi ako makahanap ng leading man. Ang sa akin, alam ko lang ang gusto kong gawin. Sabi ko pa ako na lang kaya ang mag-direct. Pero, hindi. Akin’to, eh. At saka mahirap i-direk ang sarili. May mako-compromise. So, to make it short, nagustuhan ni Boss Vic (del Rosario). And I found my leading man in Ivan Padilla. Metikuloso ako, ‘no!

Photo from Alessandra's instagram account
Photo from Alessandra’s instagram account

“Yung sa “Diary…” I asked the help of my good friend Zig Dulay sa pag-direk. Next year na namin ‘yun gagawin. Ang cast na nasa isip ko now, syempre istorya ito ng malalapit sa puso ko. Si Assunta. Julia Montes. Carla Humphries. Si Ivan. Ana Capri. Andoy Ranay. Meryll Soriano. Karen delos Reyes. Gusto ko nga i-direk si Piolo (Pascual), eh. May sinulat na akong istorya. At sana tanggapin niya.

“Alam mo naman ang pagka-out of this world din ng utak ko, ‘no. Hindi lang ako out-of-the-box. Gusto ko rin si Joyce Bernal.”

Soon in cinemas, a different kind of love story unfolds on the bigscreen, about two lovers who were first friends, entered into the relationship only to fall out of it. And the author of the story is Alessandra. “12.”

“Ang tanong sa movie, “Is there a love worth losing yourself for?” Always naman. Alam mo naman kung kelan at hanggang saan lang. Mga na-experience ko. ‘Yun ang hugot ng film.”

After Kita-Kita’s success, what has changed?

“Ganon pa rin naman si Alessandra Schiavone. Madali pa ring ma-bore. Mamaya gusto ko gumawa ng cake. O kaya gagawa ako ng table na hanggang ngayon wala pang mga paa. Ilang taon ng tengga. Mas gusto ko lang ‘yung nacha-challenge ako sa mga bagay.

received_10156384661765961

“Pero alam ko ang path na gusto kong tahakin. 20 years ko ng inaayos ito. Am 33 now.”

And this is the time when endorsements are offered to her and Empoy, right?

“Masaya ako for Empoy. Kasi, kahit hindi ko tinanggap ‘yung offer ng alcohol, he got it. Eh, kasi hindi naman ako umiinom ng alcohol. ‘Yun ‘yung mga bagay na ayaw kong ikumpromiso ang sarili ko. Nilagnat nga ako nung nakita ko ang presyo. Pero hindi ako ‘yun, eh. Basta  may bisyo, laswaan. Hindi nga ako nakikipag-kissing scene sa pelikula, eh. Paano ako mage-endorse ng hotel? Okay kung sexy lang. Sa totoo lang, when I look back, ang dami ko na pa lang pinalampas na endorsements. Pero, sabi ni God, hindi para sa akin pero binigyan niya ako ng mas malaki dun.”

And came the bonus from Kita-Kita.

“Pwede ko na sana pauwiin ang buong pamilya ko rito for a vacation. Sabi ng Nanay ko, itabi ko at uuwi naman siya talaga. So, ang half naka-time deposit. Ang kalahati in-invest ko sa money market.”

Alessandra may be lucky in the numbers she picks. “12” being one of them!

Dondon Santos directs and will be shown in cinemas on November 8, 2017.

Leave a comment