Albie Casiño reveals new girl; Sofia Andres, now on lead role

67
Photo from Albie and Sofia's instagram account

Tapos na rin ang masasabing bangungot sa buhay ni Albie Casiño at napatunayan namang hindi nga siya ang ama ng anak ni Andi.

Masaya ang kaniyang buhay pag-ibig dahil ipinakilala na niya ang nagpapatibok ng kaniyang puso sa katauhan ng modelong si Michelle Arceo.

Lantaran na rin ang ka-sweetan nila ng kaniyang girlfriend dahil may mga pino-post na siyang larawan sa kaniyang Instagram account na kung saan sila ay naghahalikan.

“She is someone very special in my life,” sabi pa ng aktor.

Photo from Albie's instagram account
Photo from Albie’s instagram account

Sa ngayon ay abala ang binata sa mga kabi-kabilang proyekto at naka-pokus nga siya ngayon sa kaniyang career.

Isa sa mga natapos niyang project ay ang pelikulang “Pwera Usog” ng Regal Entetainment.

 

Isa itong millennial horror film na tinatampukan nila Sofia Andres kasama sina Kiko Estrada, Devon Seron at Joseph Marco.

Sa mga mahihilig sa mga ganitong klase ng pelikula, siguradong ang “Pwera Usog” ang magiging sagot na magbubukas na sa mga sinehan sa March 8.

*****

Bidang-bida na talaga itong si Sofia Andres at nagbunga na ang kaniyang pagtitiyaga at pagmamahal sa kaniyang trabaho.

Sa pinakabagong handog ng Regal Entertainment kaugnay ng pagdiriwang ng kumpanya ng ika-50 taon, ang dalaga ang napisil para magbida sa pelikulang “Pwera Usog.”

pwerausog_poster-1-webres

Bagama’t marami pang tampok na artista sa pelikula, sa karakter ni Sofia magsisimula ang conflict ng pelikula.

Ito na marahil ang pagsisimula niya para sa mga lead role na balitang pinaghahandaan na rin ng Kapamilya Network ang kaniyang unang pagbibida sa teleserye.

Sey ng dalaga, sobrang happy daw siya sa nangyayari ngayon sa kaniyang career at dito raw muna siya magko-concentrate kahit sinasabing maganda rin daw  ang kaniyang buhay-pag-ibig.

Walang inaamin ang dalaga sa napapabalitang sila na raw ni Diego Loyzaga.

Palagi niyang sinasabi na magkaibigan lang daw sila ng binata.

Sa kinasangkutan gulo kamakailan ni Diego sa kaniyang amang si Cesar Montano ay suportado ng dalaga ang binata.

Nagbibigay daw siya ng advice sa kaibigan kung ano ang dapat niyang gawin at kung ano ang tama.

Leave a comment