Wagi si Agot Isidro bilang best actress sa kanyang pagganap bilang isang lesbyana sa pelikulang “Changing Partners” na halaw sa matagumpay na stage musical ni Vince de Jesus.

received_10216045383117804

Si Allen Dizon naman ang tinanghal na best actor para sa kanyang makabuluhang pagganap bilang pipi sa pelikulang “Bomba” na nagpanalo rin sa kanya ng top acting honors sa Warzaw International Filmfest sa Poland at Dhaka International Filmfest sa India.

Naulit ang pagkapanalo bilang best supporting actress ng beterana at magaling na character actress na si Odette Khan sa “Barboys” pagkatapos nitong manalo sa 2017 Star Awards for Movies.

Si Mon Confiado naman na huling nagwagi ng Famas best supporting actor noong 2008 para sa “Faces of Love” ay muling nakatikim ng pagkapanalo para sa pelikulang “Nang Gabing Kasinghaba ng Hair Ko.”

Best director naman si Arnel Barbarona para sa “Tu Pug Imatuy” samantalang tinanghal na best film ang “Balangiga; Howling Wilderness” ni Khavn dela Cruz.

Grand Jury Prize winners naman ang “Tu Pug Imatuy” at “Respeto”sa full-length film category.

Best short film ang Hilom samantalang tinanghal na Grand Jury Prize winners ang “Aliens Ata” at “Dory” sa short film category. Best documentary naman ang “Yield.”

Sa technical awards, waging best adapted screenplay ang “Changing Partners” nina Vince De Jesus at Lilit Reyes samantalang ang best original screenplay naman ay napagwagian nina Khavn dela Cruz, Achinette Villamor at Jerry Gracio para sa “Balangiga: Howling Wilderness.”

Nakuha rin ng “Balangiga: Howling Wilderness” ang best production cinematography at best production design, “Yield” para sa best editing, ”Nervous Translation” para sa best sound, “Respeto” para sa best musical score at “Instalado” para sa best visual effects.

Si Vice Ganda ang recipient ng The Comedy King Dolphy Memorial Award samantalang si Coco Martin ang tinanghal na Fernando Poe Jr Lifetime Achievement awardee.

German Moreno Youth Awardee naman sina Awra Briguela samantalang ang katotong si Ambet Nabus ang pinarangalan bilang Dr. Jose Perez Memorial Awardee.

received_10216044823103804

Sina Joshua Garcia at Julia Barretto ang tinanghal na Male and Female Celebrity of the Night samantalang sina JC Santos at Max Eigenmann ang napansin bilang Male and Female Face of the Night.

Leave a comment