John Lloyd Cruz and Bea Alonzo remains mum on alleged relationship

317

mildred@bacud

by Mildred A. Bacud

john and beaTahimik pa rin ang kampo nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo tungkol sa tungkol sa diumanong relasyon ng dalawa. Matatandaang halos sabay na nakumpirmang break na sila sa kani-kanilang karelasyon na sina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo. Isang very reliable source ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) naman ang nagtsika sa amin na madalas daw spotted sina Bea at Lloydie na magkasama at madalas daw pumunta ang aktor sa bahay ng aktres. Kaya naman kahit itanggi nila ito ay hindi pa rin namamatay ang isyu. Samantala sina Angel at Zanjoe naman daw ang madalas magkausap ngayon dahil pareho silang magkasama sa Banana Split. Nagsasabihan daw sila ng problema sa isa’t-isa lalo pa’t parehas sila ng pinagdadaanang sitwasyon.
Nagsimula raw ang pagkakamabutihan nina Bea at Lloydie sa sa pelikula nilang “A Second Chance.”


Ate Gay is happy with their upcoming pre-Valentine concert

ate gay1Not a big deal for stand-up comedian Ate Gay na kahit nakapag-concert na ng solo sa MOA, wala naman naging problema sa kaniya na mapabilang sa concert na Panahon ng May Tama # Comikilig kung saan makakasama niya sina Gladys Guevarra, Boobsie Wonderland at si Papa Jack. Hindi rin isyu sa kanya ang billing. Masaya nga raw siya na kasama siya rito sa diresyon ni Andrew de Real. Hindi lang daw ang pag-iimpersonate kay Nora Aunor ang kaniyang ipapakita maging ang pagiging diva daw niya. Hindi naman daw apektado ang grupo sa kaliwa’t kanang kasabay nila sa gabing iyon ng February 13 sa Araneta Coliseum. Iba naman daw ang mai-ooffer nila.

Leave a comment